Wala na akong magawa.
Mahal, mahal na mahal kita, oo higit pa sa sa pagmamahal sa sarili ko, pero mahal, ang sakit-sakit na.
Pasenya ka na, nagbago ka na. Gusto ko sanang maibalik ka sa dating ikaw, pero mahal. Wala akong magawa.
Mga araw na hindi natin masukat ang saya, talaga bang hanggang don na lang?
Pilit kong binabalik sa ayos, pilit kong inaalala lahat, pilit kong sinasabi sa sarili ko na maayos pa, pero mahal, wala na akong magawa.
Pinili mo na saktan ako, pinili mo na lumabas ang mga luha ko, pinili mo na mag bitaw ng salitang "patawad", Oo, ako din. Pinilit kong hindi makaramdam ng sakit, pinilit kong iwasan na lang, pinilit kong iisang tabi ito, pero mahal, wala na akong magawa, naramdaman ko na, tumulo na ang mga luha ko, nasaktan na ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ito? Hanggang kailan itong nararamdaman ko, ang alam ko lang hindi kita kayang mawala, oo ang sakit, pinilit ko na iwan ka, pinipilit ko na kaya ko ng wala ka, pero mahal, wala na akong magawa, iniisip ko pa lang, parang pinapatay ko na ang sarili ko.
Wala akong magawa kung hindi mahalin ang sakit, wala na akong magawa kung hindi mahalin ang luha. Mahal, wala na akong magawa kundi saktan ang sarili ko 😔